<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d35412068\x26blogName\x3dHazy+Reality\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://hazyreality.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://hazyreality.blogspot.com/\x26vt\x3d2055828724155379299', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
Friday, October 13, 2006

Ang Blueprint ng Buhay

Napadaan ako ng Recto isang tanghali.
Hinarang ng isang matandang nakaputi
Umiwas ako dahil nagmamadali
Ngunit siya’y mapilit at humiling ng kahit sandali.

Tangan niya sa kanyang kulubot na kamay
Lumang papel iginigiit na aking buhay
Mahiwaga daw ang papel na taglay
Pagkat makikita ang aking buhay na makulay.

Ang kanyang sinasabi ay di kapanipaniwala
Tulad ng mga buwitreng nakikinabang sa mga taong wala
Ako’y natawa at tatalikod na
Agad niya itong binuksan at ipinakita.

At sa aking mga mata tumambad.
Ang aking nakaraan at duon nakasaad.
Mga kaganapan sa aking buhay mula pagkasilang
Hanggang sa nagyayari sa ngayon bumibilang.

Inagaw ko mula sa kanyang pagkakatangan
At dalidali kong tinitigan ang magiging kaganapan
Kung ano ang sasapitin sa kinabukasan
Ako ba'y makakaahon sa sinasapit na kahirapan?

Mga asul na mga titik naglalaman ng kahiwagaan
Nakasaad mga mahal ko sa buhay malapit na mamaalam
Hanggang sa tumanda puro na lang kahirapan
At ni walang liwanag sa hinaharap na mararanasan.

Sa aking galit di napigilang ipunit
Ang haharapin ko pala sa buhay ay walang kasing sungit.
Hindi ko alam kung paano itatago ang ngitngit
Sa kaawa-awang matanda naibunton ang galit.

Ngunit nang aking nasumpungan
Wala pala ako sa Recto at ngayo'y napapaligiran
Ng nagdaraanang mabibilis na sasakyan
At sa aking kamay ay muli kong tangan

Ang lumang papel na aking pinunit
Ngunit ang aking damit ay gulagulanit
Ikaw ba nais ng masilip?
Ang isinasaad ng iyong blueprint?
 
posted by Mon Paningbatan at 1:40 PM, | | Digg!

0 Comments: